TULONG SA WIKA

Ayon sa iniaatas ng bagong batas, nagbibigay ang County ng San Luis Obispo ng mga kopya ng balota na nasa mga sumusunod na wika:

Espanyol

  • Lahat ng Presinto
  • Lahat ng Lugar na Botohan

Tagalog

  • Mga Pinagsama-samang Presintos (Consolidated Precincts) 403, 404, 405, 406, 407

Magbibigay ng mga kopya ng balota at tagubilin kapag hiniling. Maaari ninyong hilingin na tingnan ang kopya ng balota para sa mga wikang  makukuha sa mga Lugar na Botohan, sa Opisina ng mga Halalan, sa pamamagitan ng email, telepono o sa aming website sa www.slovote.com.

Mga Botante ng Pagboto sa Pamamagitan ng Koreo

Maaari kayong humiling ng kopya ng balota sa isa sa mga wikang magagamit:

  • Sa Pamamagitan ng Telepono: 805-781-5228
  • Sa Pamamagitan ng E-Mail:       [email protected]
  • Sa Pamamagitan ng Koreo:       1055 Monterey Street, Suite D120, San Luis Obispo, CA 93408
  • Sa Personal:                                 Sa Tanggapan ng Klerk na Tagapagtala sa 1055 Monterey Street, D120, San Luis Obispo o 6565 Capistrano Avenue (ika-2 palapag), Atascadero
  • Online:                                          www.slocounty.ca.gov/LanguageAssistance

Teknolohiya ng Balota sa Wikang Espanyol

Sa tulong ng nagagamit na teknolohiya sa pagmarka ng balota (mga ICX na makina sa pagboto), ang karanasan sa pagboto sa wikang Espanyol ay makakatulong sa mga botante sa pagpili at pagmarka sa kanilang mga balota. Magagamit ang mga ito sa tanggapan ng Klerk na Tagapagtala ng County simula ika-11 ng Oktubre, at sa lahat ng Lugar na Botohan sa ika-8 ng Nobyembre, Araw ng Halalan.